Narealize kong hindi ko pa pala nabblog ang aming nakaraang block gimik.
Ganito kasi yun...
After weeks of deciding while hanging out at the NIGS canteen, our first ever block gimmick finally pushed through. Except, we weren't much of a block since there were only 9 of us (may mga date kasi!
). But still, we had loads of fun.
So, after the loooong letter-writing session, we hungrily embarked on the journey to Cubao. We almost ate at UP dahil super gutom na talaga kami, but what's the point of going out, right? So ayun, we rode a jeepney to Katipunan and then the LRT to Cubao, and of course the first thing we did was find sustenance. Ay wait, we checked the movie schedules pala, decided not to watch na lang, and then finally, FINALLY, got food. Napaghahalata pang gutom na gutom na kami, talagang iniwan na naming girls yung mga boys. Wala nang poise-poise dito!
Has and I were the first to return to our table. Hindi pa kami nakakaupo, tayo na agad yung boys. Sorry na. Thank you for being such gentlemen, haha. So, Has and I waited forever for everyone to arrive. Ambait namin, yung side dish lang kinain namin at hinintay talaga namin sila.
So ayun. Momentary pause muna sa pagppicture dahil busy kami lahat. Nung medyo magkalaman na ang tiyan namin, pinicturan ni Jobelle ang paglamon namin. Haha. Ay. Thanks nga pala kay Kevin sa libreng fries. Sarap! 
After eating, dahil hindi na nga kami manonood ng sine, deretso sa Timezone. NagCR yung girls so naglaro na yung boys. So ayun, di na namin sila mahatak for a studio pic, kaya nag-Adlib of Wind na lang kaming girls. Sosyal. It's some kinda photobooth na may wind effect! Grabe. Ka-stress mamili ng design, may time limit eh. Pero ang cute cute nung pics. LOVE IT!
Tapos, ayun, laro na. Dahil huli ako nag-timezone nung Dahlia pa last year (grabe loser. Sorry lang, wala kasing Timezone sa SM eh, at recently lang dumating ang Trinoma), ayaw gumana ng card ko sa Gateway dahil may credits pa raw. So ayun, I bought a new card. And proceeded to spend the extra money my mom gave me yesterday, haha. Kainis yung bowling ha, amigat nung pins, ayaw tumumba! Mas madali pa sa tenpin eh! Favorite game ko forever yung LOTR pinball. Naka-10million ako once! Pero yung ibang times, mga 1million na lang hahaha. Pero super favorite ko talaga syang arcade game.
Tapos... tapos na ata. Ay, habang naglalaro kami ay umuwi na sina Sam at Benj, so sina JanMikes at Kevin na lang ang boys na natira. Tas si JanMikes ay hindi nag-MRT, at si Kevin ay binigyan lang kami ng pamasahe tas umalis na rin, so kaming girls lang ang nag-MRT. So yay, we got to occupy the car for females/children/elderly. Tapos, ayun. Pagdating sa North Ave./Trinoma station (haha, imbento ko lang yung Trinoma. Pero diba dapat yun na tawag dun? Hahaha.), naghiwahiwalay na kami. At dun nagtatapos ang super fun block gimik ng G13.
posted by potchi in LOL, LOOOOOOOOOOOOOOOVE!, G13 |
Letter
09:09 PM October 13, 2007

This is G13's letter to me. <333333333!
Dahil hindi ko na maalala kung anong pinagsasabi ko sa kanila, gagawa ako ng bagong letter dito.
Minamahal kong G13,
Pasensya na at umpisa pa lang, nosebleed na. Haha. Pero yun ang pinaka-tamang salita eh. Dahil sa mahigit apat na buwan nating pinagsamahan, sobrang napamahal na ako sa inyo. Akala ko dati, mahihirapan akong maghanap ng bagong kaibigan sa kolehiyo, pero ang bait ni Lord at mukhang naisip Niya rin yun, kaya nilagay Niya ako sa block kung saan siguradong magiging at home ako.
Umpisa pa lang ng semestreng ito ay halata nang kakaiba ang bond natin, at lalo pa itong napagtibay ng araw-araw nating pagsasama sa lahat ng klase (pwera na lang sa PE), lalo na ng ating paghihirap sa CS11 (oo, naghirap din ako, akala nyo lang hinde
), at ng pagtawa natin sa pinakamasayang klase sa lahat, ang Math17.
Nais kong magpasalamat sa pagiging pamilya ko sa UP, sa mga tawanan, sa damayan, at sa lahat ng alaala ng napakasayang unang semestre ko sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ngayong tapos na ang sem (maliban na lang sa mga nalalabing requirements sa CS11 para sa iba sa atin, at sa Kas1 para kay Kat
), grabe mamimiss ko kayo. Sa susunod, hindi na tayo ganito. Wala nang block section. Wala nang Math notes quotes. Wala nang pagtulog sa Eng1.
...Pero may G13 pa rin ha. Sana ang block gimik sa Martes ay hindi ang huli. 
Nagmamahal,
Ako. 
posted by potchi in college, drama, LOOOOOOOOOOOOOOOVE!, nostalgia, G13 |
Diaconate
06:11 PM October 13, 2007
Today I witnessed an ordination for the first time.
Ambobo ko pa, akala ko pari na pagkatapos yung i-o-ordain. Deacon pa lang pala. 6 months pa bago sya maging pari.
Anyways. It was a two-hour mass. Grabe. Celebrated by so many priests pa. Ewan ko sa iba ha, pero ako nag-enjoy. Natuwa kasi ako na may magiging bago nanamang pari sa mundo.
Thank You Lord sa bago nanamang miyembro ng simbahan na magiging instrumento ng pagkalat ng pagmamahal Niyo sa amin. 
Super na-amaze ako na kahit sa panahon ngayon, may mga kabataan paring pinipiling iwan ang lahat para sa Kanya. Mahirap ang daan patungo sa pagiging pari, at mahirap pa kapag pari ka na. Pero pinipili parin nilang magsilbi. Salamat sa mga taong katulad nila.
Tuloy, balang araw gusto ko ng anak na pari. Haha. Ayoko kasi mag-madre eh. Kaya anak ko na lang. Pero kung ayaw naman ng magiging anak ko, ok lang. Hehe.
posted by potchi in faith, life |
MP Status
05:45 PM October 13, 2007
Ok, sorry natigil ang live updates; I went to an ordination kanina eh, sosyal, haha.
So. UPDATE: Finished na sya as of 2:50pm! Ok, still have to do the finishing touches (comments, make sure again that everything's working properly, etc.) and my Machine Problem Description Paper, but I'm finished with the logic part. May kulang na lang na exception handling dahil tinatamad ako, hahaha.
Grabe. World record ata ito. Started at 5:30 yesterday, stopped 2 hours later because I got stuck, started again this morning sometime before 11, and finished at 2:50! So mga... 6-7 hours in total ko lang sya ginawa, hahaha. Seryoso, after the MP Plan I didn't touch my MP again until yesterday. Ibang level na talaga tong cramming ko! Haha.
Ayun. So now comes the hard part: writing 600 words about how my MP is so OOP. Eh it's not. I mean, it's got classes and stuff, pero essentially I just copied and pasted the functions from my old MP to separate classes and just edited them a bit. So, good luck naman sakin.
But at least, the logic part is over! Yay! 
PS. Salamat nga pala kay Clar na natuwa sa live updates ko at nagcheer sakin. 
posted by potchi in college, OMG |
Crazy
12:28 PM October 13, 2007

This and other pictures of my crazy, crazy block over at my multiply.
posted by potchi in LOOOOOOOOOOOOOOOVE!, photolog, G13 |
MP Status (1 hour later)
12:05 PM October 13, 2007
3 games down, 1 more to go. Plus MPD.
Wee, 2 games in 1 hour. But that's because I didn't have to create separate classes for the dice, cards, and briefcases, LOL.
Looks like I'll be able to finish before we go to Brother Aaron's ordination this afternoon (more on that later).
posted by potchi in college, OMG |
MP Status
11:11 AM October 13, 2007
Nowhere near finished. 
(Watch out for live updates as I attempt to cram my last requirement for the sem.)